Saturday, June 17, 2017

LUGAR MO, ALAGAAN MO

COMMUNITY PROBLEM
"GARBAGE DISPOSAL"
Bakit ba may mga basurang nakatambak sa ating kapaligiran?bakit ba may mga taong nawawalan ng halaga sa ating lipunan ni wala ng disiplina.?
Mapapansin natin sa panahon ngayon ang mga tao ay tila ba nakakalimot na ito ay nagdudulot ng baha sa ating lugar. Mga basurang nakakalat sa gilid gilid,basurang nakatambak sa kanal na itoy nakakapag bara kaya minsan ito ay nagdudulot ng baha. Naiinis ang mga tao na bakit may baha, eh sila rin naman ang may gawa.
Kaya mas magandang gawin ngayon ay maglagay ng maraming basurahan sa paligid at mag lagay ng mga paalala at turuan ng maaga ang mga anak, kamag anak o kababayan na ang basura ay dapat na itapon sa tamang lagayan dahil minsan ang mga nakakatanda ang gumagawa nito kayat nagagaya rin ng ibang mga tao o mas nakababata pa. Kung aalagaan mo kapaligiran mo mas magandang tingnan ang lugar nyo. Kaya pahalagahan ang ating kapaligiran dahil minsan kung ano ang kalat o linis ng inyong lugar ito ay tila ba sumisimbolo kung ano ang kaugalian ng mga taong nakatira dito.
#TAPONDITO,TAPONDOON (NO,NO,NO)