Ang I Witness "Kabihug" ni Kara David ay isang nakakamanghang kwento kung saan ipinakita ang pamumuhay ng simple dahil kalikasan ang kanilang pinagkukuhanan ng pagkain. Isinasalamin dito ang pagtutulungan ng bawat isang miyembro sa pamilya. Sila'y marunong gumawa ng paraan upang may makain sila sa araw araw. Sa panahon natin ngayon, kapag hindi ka nakapagaral isa kang mangmang at walang mararating sa buhay pero sa kwentong ito hindi lahat ng taong hindi nakapagaral ay walang alam. Sa pamamagitan ng pagiging madiskarte at kumpyansa sa sarili kaya nila mabuhay sa araw araw. Ito ay senyales na hindi dapat maliitin ang ganitong pamumuhay at mga taong nakatira sa tribo. Kahit hindi sila nakakatanggap ng tulong mula sa ibang tao, masagana sila sa likas na yaman. Dapat kahit tayo'y nasa modernong panahon, marunong tayo gumawa ng paraan upang mabuhay tayo. Katulad na lamang ng pagaaral ng mabuti. Ito ang maisusukli natin sa ating mga magulang sa kanilang paghahanapbuhay. Kapag nakapagtapos na ng kolehiyo, tayo naman maghahanapbuhay para sa kanila.
Ang antas ng wikang ginamit ay pormal. Halimbawa nito "Hindi pera ang kanilang yaman kundi ang malawak na kagubatan". Ang tungkulin ng wikang ginamit ay pang heuristiko. Halimbawa nito "Bakit po kayo takot sa katulad namin?". Ang barayti ng wikang ginamit ay idyolek. Halimbawa nito "Gusto ko po talaga malaman magbilang ng pera gayon po hindi ako lokohin ng tao".