Ako'y sang ayon sa pagpapatupad ng State of Lawlessness ni Pangulong Duterte sapagkat ito ay makakabuti sa ating seguridad. Laganap ngayon ang krimen dulot ng paggamit ng droga kaya dapat lang ang pagpapatupad nito. Isa sa napapaloob dito ang pagpapatupad ng curfew sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ito'y nararapat lamang sa mga kabataan lalo na't palaging pinupuntirya ng mga kriminal ang ganitong edad. Ang pagiging matapang ni Pangulong Duterte ay nararapat sapagkat iniwan tayo ng nakaraang presidente na puro problema at hindi natin namamalayan lahat pala ito ay dahilan ay droga. Ang hindi patas na pagpatay ng mga pulis na sa tingin ko'y hindi makatotohanan. Balita na ang ganitong pamamaraan ng mga pulis, kaya dapat lang na itigil na ang ganitong gawain. Lahat ng mga tao ay biktima lamang ng droga ay hindi dapat kailangang patayin kundi bigyan sila ng pagkakataon upang magbago. Sa pamamagitan ng lahat na ito, makatutulong ito para magkaroon na ng kaayusan at katahimikan ang ating bansa.
Ang antas ng wikang ginamit ay pormal. Halimbawa nito "I have this duty to protect our country". Ang tungkulin ng wikang ginamit ay pang interaksyonal at pang impormatibo. Halimbawa ng mga ito "Kumusta na ang mga kalagayan ng biktima?" at "Nagdeklara ng State of Lawlessness si Pangulong Duterte". Ang barayti ng wika ay dayalek. Halimbawa nito "Sana maulian siya".
No comments:
Post a Comment