Ang I Witness "Kawayang pangarap" ni Kara David ay isang dokumentaryo na kung saan ipinapakita sa atin ang pagkakaiba ng buhay sa rural at urban. Isinasalamin dito ang hirap ng buhay. Kung ito'y ipagkukumpara sa ating buhay, tayo'y maswerte sapagkat hindi na natin kailangang umakyat ng bundok upang makapaghanapbuhay na kung saan ay mapanganib. Sa ganitong paraan, nagtitiis sila upang makakain at mabigyan ng baon ang mga anak. Sila'y matapang at hindi sumusuko sa buhay. Samantalang sa panahon ngayon, hindi pa tayo kuntento at hindi pa sapat sa atin ang mga natatanggap natin katulad sa paghingi ng baon ngunit sa ibang bagay natin ito ginagamit. Nakakahanga lang dahil kahit ganito ang kanilang pinagdadaanan masaya at buo ang kanilang pamilya. Kung tutuusin dapat ito ang pinagtutuunan ng pansin ng ating pamahalaan. Bukod sa pagpapatayo ng paaralan, bigyan sana sila ng kabuhayan upang makapagsimula sila sa bagong pamamaraan ng paghahanapbuhay. Ang mga bata ay dapat nasa paaralan at tinutustusan ng mga magulang. Ito ay makatutulong sa kanilang magandang kinabukasan. Ipinapakita rin dito na kahit simple ang buhay basta't nagmamahalan nagiging matatag.
Ang antas ng wikang ginamit ay di pormal. Halimbawa nito ay "Kapag hindi ka sanay jan tatambling ka talaga Ma'am". Ang tungkulin ng wikang ginamit ay heuristiko. Halimbawa nito "Paano po gagawin dito tay?". Ang barayti ng wika ay idyolek. Halimbawa nito "Bakit po importante na makapagaral yung mga bata?"
No comments:
Post a Comment